Nasa mahigit 171,000 na ang mga pasaway na lumabag sa mga ipinatutupad na community quarantine sa buong bansa.
Batay ito sa datos mula sa Joint Task Force COVID-19 shied mula Marso 17 hanggang Mayo 14 o 59 na araw mula nang isailalim ang bansa sa community quarantine dahil sa COVID-19.
Mula sa nasabing bilang mahigit 49 sa mga ito ang naaresto kung saan, mahigit 36 ang kinasuhan, nasa mahigit 12,000 ang na-inquest habang mahigit 2,000 naman ang nananatiling nakakulong.
Mahigit 830 naman ang mga naaresto dahil sa pananamantala, hoarding ng mga essential goods gayundin ang nagmamanipula ng presyo nito sa merkado.
Mahigit 11,000 namang mga tsuper ng pampublikong sasakyan ang naaresto dahil sa patuloy na pamamasada sa kabila ng ipinatutupad na travel ban.