Umakyat na sa mahigit 700 ang mga naaaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban, dalawang buwan bago ang May 9 national at local elections.
Batay sa tala ng Philippine National Police o PNP, aabot na sa 746 ang nahuli ng pulisya na mas mataas ng mahigit 100 kumpara noong nakalipas na linggo.
Pinakamarami sa mga nahuli ay mga sibilyan na aabot sa 711, 5 naman ang pulis, 11 opisyal ng pamahalaan, 12 security guard, 5 kawani ng BJMP at ang 2 Cafgu.
Dahil dito, aabot sa 592 baril ang nasamsam ng pulisya, mahigit 4,000 naman ang iba’t ibang uri ng deadly weapon, 21 replica ng baril.
Mahigit 4,300 ammunitions o bala, 212 mga patalim, 25 granada habang 7 naman ay pawang mga pampasabog.
By Jaymark Dagala