Pumalo na sa 24 ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, sa naturang bilang, 21 ang sibilyan, dalawa ang security guard at isang law enforcement agent.
Narekober din mula sa mga naaresto ang 15 armas, at higit 40 iba pang ipinagbabawal na bagay sa ilalim ng election gun ban tulad ng 39 na bala, pitong deadly weapons at isang replika ng baril.
Kasong illegal possesion of firearms at paglabag sa Omnibus Election Code ang kahaharapin ng mga naaresto.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal