Pumalo na sa 250 indibiduwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang itinayong higit 3,000 COMELEC checkpoints sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa pinakabagong datos na inilabas ng PNP ngayong araw, 238 sa mga naaresto ay mga sibilyan, dalawa ang pulis, tatlo ang opisyal ng gobyerno, tatlo mula sa BJMP, dalawang security guard at tig-isang miyembro mula sa Cafgu at Coast Guard.
Nakumpiska mula sa mga naaresto ang may 156 na armas, at 734 na deadly weapons na kinabibilangan ng mga replica ng baril, mga granada at mga bala.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt Wilben Mayor, ang pagtaas ng bilang ng mga nahuhuli ay dahil sa mas pinaigting na kampanya ng pnp simula nang magumpisa ang election period noong Enero 10.
By Ralph Obina | Jonathan Andal