Umakyat na sa walongdaan at labindalawa (812) ang bilang ng mga naaaresto ng Philippine National Police o PNP na lumabag sa umiiral na election gun ban.
Sakop ng naturang report ang mismong simula ng election period noong Abril 14 hanggang nitong Lunes, Abril 30.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, posibleng tumaas pa ang naturang bilang habang papalapit na ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Dagdag pa ni Albayalde, nasa limandaan at pitumpu’t apat (574) na mga baril na rin ang kanilang nakumpiska sa mga gun ban violators maliban pa dito ang nakumpiskang baril sa tatlong magkakapatid na pulis na nag-viral sa social media makaraang makita na may bitbit ang mga ito na baril kahit hindi sila naka-uniporme.
—-