Nanawagan si Kabataan Party-list Representative Sarah Elago na palayain na ang libu- libong tambay na inaresto ng pulisya.
Kasunod ito ng paglilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya inatasan ang PNP o Philippine National Police na hulihin ang mga tambay.
Gayunman, naniniwala si Elago na dapat managot si Pangulong Duterte dahil sa paglabag sa karapatang pantao ng mga inarestong tambay.
Depensa naman ni Senate President Tito Sotto sa anti – crime campaign ng PNP, hindi lahat ng mamamayan ay target nito kung hindi yun lamang maaaring gumawa ng krimen.
—-