Sumampa na sa pitong libo (7,000) ang bilang ng mga nahuling tambay ng Philippine National Police sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, mula June 13, aabot na sa pitong libo dalawandaan at siyamnaput isa (7,291) na ang kanilang naaaresto mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaigting na kampanya laban sa mga tambay.
Pinakamaraming paglabag sa mga ordinansa ang naitala sa Eastern Police District na may mahigit 2,200 kaso na nasundan ng Quezon Police District na may mahigit 2,000 kaso ng paglabag.
Kabilang sa mga inaaresto ng mga awtoridad ang paglabag sa curfew para sa mga kabataan, mga nag-iinuman sa kalye, paninigarilyo at paggala nang nakahubad sa mga lansangan.
(Ulat ni Jonathan Andal)