Dapat na magsuot pa rin ng face mask ang mga indibidwal na natapos na ang pagpapabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at ilang medical society sa bansa upang maiwasan pa rin ang posibleng pagkalat ng COVID-19 lalo’t mayroong bagong variant ng virus sa bansa.
Una kasi rito, nag-anunsyo si US President Joe Biden na hindi na kailangan magsuot ng face mask ang mga nabakunahan na sa Estados Unidos.
Ngunit ayon kay Dr. Eva Roxas, masyado pang maaga para gayahin ito dito sa bansa.
Aniya, di tulad dito sa Pilipinas, mas marami ang bilang ng nabakunahan sa Estados Unidos kaya naman maaari nang hindi magfacemask ang mga nabakunahan na.