Nasa mahigit 400,000 kabataan na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan kontra Covid-19.
Ayon kay Food And Drug Administration Director General Eric Domingo, wala silang naitalang malalang adverse effect ng bakuna.
Umabot sa 300,000 kabataan ang naturukan gamit ang Pfizer vaccine kung saan 9 dito ang nagkaroon ng allergy, naghyperventilate at sumakit ang katawan ngunit agad namang gumaling makalipas ang isang araw.
Habang sa Moderna, isa lamang ang napaulat na nakaranas ng side effect.
Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan maaaring masimulan ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.