Umabot na sa 1.7-M mga Pilipino ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na sa ngayon ay nasa 320,586 pa lamang ang full vaccinated o ‘yung mga indibidwal na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.
Kabilang sa mga ito ay ang mga sektor ng mga frontline workers, mga senior citizens at mga taong may co-morbidities.
Mababatid ani Cabotaje na sa kanilang datos nasa higit apat na milyong doses na ng bakuna ang nakuha ng Pilipinas.