Kakaunti lamang ang naturukan ng Sinovac vaccine sa mga nagpaabot ng kagustuhang mabakunahan sa dalawang referral hospitals sa Metro Manila sa unang araw nang pag-arangkada ng vaccination program ng gobyerno.
Sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Tala, Caloocan City, nasa 180 lamang mula sa 1,165 na una nang nagpasabing magpapaturok ng bakuna ng Sinovac.
Samantala, nasa 21 staff members lamang ng Lung Center of the Philippines mula sa 1,400 employees na nagpa-register para mabakunahan ang aktuwal na naturukan ng Coronavac.
Taliwas naman ito sa Philippine General Hospital kung saan nasa 125 medical staff ang nabakuhan, mas mataas sa inaasahang 20 hanggang 50 staff na magpapaturok.