Halos 2-milyon na ang naturukan ng unang dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa Amerika.
Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, mahigit 11-milyong doses na ng bakuna ang naipamahagi mula sa Moderna at Pfizer/BioNTech.
Ipinabatid ng US CDC na mahigit 100,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Amerika kung saan mahigit 1,000 naman kada araw ang nasasawi dahil sa COVID-19.