Iginigiit ni election laywer Atty. Romulo Macalintal sa gobyerno na payagan nang makalabas ng bahay ang mga nabakunahan nang senior citizens.
Sinabi ni Macalintal na dapat magkaroon ng bahagyang adjustment ang pamahalaan lalo pa’t marami na ring senior citizens ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sumulat na aniya siya sa IATF para iapelang makalabas na ang mga nabakunahan nang senior citizens basta’t mahigpit pa ring sumusunod sa health and safety protocols.
Binigyang diin pa ni Macalintal na malaking tulong ang paglabas ng mga vaccinated senior citizens para mabuhay muli ang mga restaurant at iba pang establishment sa pamamagitan ng dagdag pang diskuwento at maeengganyo rin ang iba pang senior citizen para magpabakuna na rin.