Aabot na sa 180,000 Public Utility Vehicles (PUV) operators ang nabigyan na ng tig-6,500 peso fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang nasabing bilang ay katumbas ng 264,578 mula sa 377,000 na kabuuang target na benepisyaryo ng ahensya.
Mahigit isa punto isang bilyong piso naman ang na-disburse na halaga ng pondo.
Ayon sa LTFRB, nagpapatuloy ang pamamahagi ng subsidiya sa mga public transport operators.
Marso nang simulan ng ahensya ang distribusyon ng fuel subsidy sa 377,000 qualified PUV drivers at operators.
Layunin nitong maibsan ang epekto ng walang prenong oil price increase sa public transport sector.
Sa kabila nito, mayroon pa ring ilang PUVdrivers ang nagrereklamo dahil sa bagal ng proseso para lamang makuha ang kanilang fuel subsidies.