Patuloy na ginagamot ang limang (5)biktima ng sunog sa Pasay City.
Naganap noong isang gabi ang nasabing sunog sa Barangay 108 Pasay City na nagsimula umano sa bodega ng Harest Merchandise kung saan nakatambak ang ilang kagamitan sa bahay.
Batay sa imbestigasyon ng Pasay Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula ng mga bumbero.
Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng pinsala ng mga ari-arian na natupok.
By: Avee Devierte / Allan Francisco