Lumutang sa senado ang ilang biktimang nabulag dahil sa ginawang cataract operation kahit hindi kinakailangan.
Kasunod ito ng paggulong ng imbestigasyon ng senado sa kadudadang claims ng ilang ospital at clinic sa PhilHealth.
Ayon kay Romeo Fernandez, nabulag ang kanyang kanang mata matapos na mabutas ang iris nito sa ginawang laser surgery sa kanyang mata.
Lumalabas na ginagawang milking cow ng ilang mga eye center pag-rekomendang sumailalim sa cataract surgery o laser treatment ang mga pasyente kahit hindi kinakailangan upang makaubra sa PhilHealth.
Noong nakalipas na taon ay umaabot sa halos P4 na bilyong piso ang binayaran ng PhilHealth para lamang sa cataract procedure.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)