Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga nag-aalaga ng baboy sa likod bahay o iyong mga tinatawag na backyard raisers sa bansa.
Ito ang ini-ulat ng mga grupong SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura at ng National Federation of Hog Farmers Incorporated sa Department of Agriculture.
Ayon kay SINAG Chair Rosendo So, aabot na lamang sa pitong milyon, pitongdaan at limampu ang nag-aalaga ng baboy ngayong taon kumpara sa halos walong milyon na naitala nuong isang taon.
Maliit na produksyon at mababang benta sa mga liveweight na sinabayan pa ng kumpetensya sa imported na karne ang dahilan kaya’t nababawasan na ang mga nag-aalaga ng baboy.
Dahil dito, umapela ang mga agri group kay Secretary Manny Piñol na tulungan silang makabangon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga inahin o alagaing baboy.
By: Jaymark Dagala