Pumapalo na sa halos 7,000 katao ang nag-apply sa local absentee voting para sa May 9 elections.
Ipinabatid ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na sa naturang bilang, halos 1,000 rito ay mula sa PNP o Philippine National Police.
Halos 100 naman ay mga empleyado ng COMELEC, halos 20 sa BJMP at hindi bababa sa 10 mula sa Department of Education (DEpEd) kung saan kasali rito ang mga guro na magsisilbing board of election inspectors sa halalan.
Mayroon ding nag-apply mula sa hanay ng AFP, DILG at iba pang ahensya ng gobyerno.
Itinakda ang deadline sa local absentee voting sa katapusan ng Marso at gaganapin ang kanilang pagboto mula April 27 hanggang 29.
By Meann Tanbio | Allan Francisco