Mahigit 53,000 na ang nag-apply para sa Balik Probinsya program .
Ito ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. ay 10 araw matapos buksan ang online applicaton.
Isandaan na aniya sa mga ito ay nakabalik na ng lalawigan ng Leyte samantalang ang halos 30,000 aplikante ay uuwi ng mag isa at mahigit 24,000 naman ay babalik ng lalawigan kasama ang kani kanilang pamilya.
Ipinabatid ni Escalada na namahagi na sila ng 10,000 application forms sa mga barangay sa metro manila para sa mga interesadong magbalik probinsya.