Aabot na sa mahigit 89,000 katao na ang nag-apply bilang benepisyaryo ng “Balik Probinsya Bagong Pag-Asa Program”.
Ito’y batay sa tala ng National Housing Authority (NHA) na iprinisinta sa pagdinig sa house committee on housing and urban development.
Sa nasabing bilang, mahigit 48,000 aplikante ang nagpaplanong bumyahe nang mag-isa habang mahigit 40,000 naman ang nais makasama ang buong pamilya pauwi ng probinsya.
Ilan naman sa mga probinsyang pinili ng karamihan sa mga aplikante para manirahan ay ang Leyte, Samar, Negros Occidental, Northern Samar, Camarimer Sur, Zamboanga Del Norte, Eastern Samar at Bohol.