Umabot sa 6-milyong mag-aaral ang nag-enroll mula nang magsimula ang enrollment noong ika-1 hanggang ika-8 ng Hunyo.
Dahil ditto, itinuring ng Department of Education (DepEd) na tagumpay ang kanilang kampanya para sa enrollment sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon sa DepEd, mababa ang naturang bilang kumpara sa mga nakalipas na enrollment, ngunit hindi ibig sabihin umano nito ay mawawalan na sila ng pag-asa.
Marami pa rin umanong magulang ang nais maipagpatuloy ng kanilang mga anak ang pag-aaral sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, umaasa ang DepEd na madadagdagan pa ang bilang ng mga nagpatala na magbabalik-eskwela sa pasukan sa ika-24 ng Agosto.