Arestado sa Vatican ang dalawang pari na miyembro ng komisyon para pag-aralan ang reporma sa simbahan na binuo ni Pope Francis.
Bunsod ito ng pagbibigay umano ng mga confidential documents sa media.
Kinilala ang mga pari na sina Spanish Priest Lucio Angel Vallejo Balda, ikalawa sa Prefecture for Economic Affairs ng Vatican at Italian Laywoman Francesca Chaouqui, isang public relations expert.
Matapos mangako na makikipagtulungan sa imbestigasyon, agad namang pinalaya si Chaouqui.
Ang pagkaaresto ng dalawa ay kasunod ng insidente kung saan dalawang italian authors ang nagsabing maglalabas ng librong umano’y naglalaman ng mga iskandalo ng Vatican.
By: Mariboy Ysibido