Puspusan ang pagtugis ng National Bureau of Investigation NBI sa mga nag-download o kumuha ng kopya nang nag-leak na data ng mga botante sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez na dapat managot sa batas ang sinumang mahuhuling nag-upload ng kopya ng data.
Una nang umamin ang naarestong hacker na si Paul Beting na siya ang nang hack ng website ng COMELEC subalit iginiit na wala siyang kinalaman sa pag-leak ng voter’s database ng poll body.
BSP on online transactions
Pinag-iingat naman ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko sa online transactions.
Ayon kay BSP Deputy Governor Nestor Espenilla, Jr., dapat maging alerto at mag-doble ingat ang mga bangko sa pag-verify sa mga transaksyon sa internet.
Kabilang dito ang maingat na pagsusuri sa pagkakakilanlan ng transactor sa pamamagitan nang mahigpit na verification process.
Magugunitang noong isang linggo ay na-hack ang website ng COMELEC at naging available online ang mga nanakaw na data o mahahalagang impormasyon tungkol sa registered voters.
By Judith Larino