Nasa 20% hanggang 30% na lamang ng kabuuang bilang ng provincial buses ang nag-ooperate sa gitna ng serye ng oil price hike.
Ayon kay Executive Director Alex Yague ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, sumampa na ito sa 60% noong Abril matapos na luwagan ng pamahalaan ang Covid-19 restrictions.
Pero nitong mga nakaraang Linggo bumagsak nanaman sa nabanggit na porsyento ang bilang ng naturang sasakyan dahil sa pagtaas nang husto ng halaga ng diesel.
Nabatid na nasa 26,000 provincial bus workers ang nawalan ng trabaho nang suspindihin ng mga operator ang kanilang operasyon.
Dahil sa limitadong bilang ng mga bus, sinabi ni Yague na kailangan ng mga pasahero na maghintay hanggang sa mapuno ng 80 hanggang 90% ang kapasidad ng sasakyan bago ito umalis sa terminal.