Natukoy na ng Marikina City Police ang mga indibidwal na nagsagawa ng road rage shooting sa Marikina River Park na nag-viral sa social media.
Ayon kay Marikina Police Chief Benliner Capili, hawak na nila ang pangalan ng mga kumuha ng video pero hindi pa ito ilalabas sa publiko dahil naghahanda pa ng isasampang kaso laban sa kanila.
Paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o yung Unlawful Use of Publication and Unlawful Utterance ang posibleng isampang kaso.
Matatandaang sa video, makikita ang tatlong lalaki at isang babae na nagsasagawa ng rage shooting na ini-upload ng vlogger na si Sir Nathan.
Agad din itong binura matapos makatanggap ng negatibong reaksyon. —sa panulat ni Abby Malanday