Iimbestigahan na rin ng NBI ang mga nagpakalat ng mga peke at malaswang video laban sa mga anak ni Vice President Leni Robredo na ipinost sa social media.
Ayon kay NBI–Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, maaaring kasuhan ng cyberlibel ang mga nag-share ng nasabing video.
Maituturing anyang primary author ang unang nag-post ng mga malisyosong atake sa mga Robredo.
Tiniyak naman ni Lorenzo na tinututukan na nila ang naturang reklamo ng mga anak ng presidential candidate.
Magugunitang nagpasaklolo sa cyber-crime division ang mga anak ng bise presidente na sina Aika at Trisha Robredo.