Papalo na sa P18 milyon ang nagagastos ng pamahalaan sa pagpapalikas sa mga overseas filipino workers o ofws mula sa iba’t ibang bansa.
Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, kabilang umano sa naturang pondo ang food, hotel accomodations at transportation expenses na ginamit ng mga ofws na nailikas na.
Aniya, nasa P30 milyon ang nagagastos ng OWWA sa isang araw para lamang bayaran ang mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities.
Paliwanag pa ni Cacdac, mayroong P1-bilyon pondo ang OWWA kung saan kasama na rito ang sahod ng mga ofws.
Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng financial aid para sa abot kamay ang pagtulong o AKAP program sa buwan ng Enero dahil sa mga backlogs sa Bayanihan 1 at 2.