Hindi lamang mapakikinggan kung ‘di mapapanood din ng publiko ang mga proyektong napagtagumpayan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinida ni House Speaker Lord Allan Velasco kasunod ng pre-State of the Nation Address (SONA) campaign sa iba’t ibang congressional district sa bansa.
Ayon kay Velasco, mapapanood aniya ito sa serye ng mga video na may pamagat na “Sa lahat ng pagbabago, salamat Pangulo” na layong ipagmalaki ang mga nagawa ng kasalukuyang kongreso.
Paglilinaw ni Velasco, naplantsa na aniya ang nasabing video presentation bago pa man tumama sa bansa ang COVID-19 pandemic kung saan, marami na ring proyekto ang naisakatuparan at napapakinabangan na ngayon ng publiko.
Masasaksihan naman ang multimedia exhibit ng mga mambabatas sa mismong araw ng SONA sa Hulyo 26 na mapapanood sa magkabilang wing ng Batasang Pambansa.