Sinupalpal ni House Committee on Justice Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali ang mga nagbababala ng constitutional crisis sa pagitan ng lehislatura at hudikatura.
Ito’y sakaling totohanin ng komite ang banta nitong pagpapaaresto kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung patuloy siyang magmamatigas na huwag dumalo sa pagdinig hinggil sa impeachment laban sa kaniya.
Magugunitang nagpahayag ng pangamba sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Francis Escudero hindi uubrang pilitin si Sereno na humarap gayung hindi pa naman gumugulong ang impeachment trial laban dito.
Sagot ni Umali, makabubuting hintayin na lamang ng Senado na iakyat sa kanila ang reklamo at ginagawa lamang nila ang kanilang mandato sa ilalim ng batas.
—-