Pumalo na sa kabuuang 2,288 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagbalik-bansa, kahapon, Lunes, 15 ng Hunyo.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa naturang bilang, 768 sa kanila ay mga na-stranded na OFW’s na mula UAE at Lebanon na lulan ng magkaibang chartered flight ng DFA.
Nakauwi rin ang 354 na mga land-based OFW’s mula Saudi Arabia na lulan naman ng chartered flight ng OWWA.
Habang isinakay naman pauwi ng bansa ng Air Europa Flights ang 668 na mga Pinoy seafarers na pawang mga crew ng isang sikat na cruise line.
Samantala, batay sa datos, mula noong Pebrero nitong taon, umabot na sa 44,000 ang nag-balik bansang mga OFW’s na nanggaling sa mga bansang naapektuhan din ng COVID-crisis.