Pinatutukan ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang mga nagbebenta o nagbibigay ng bakuna online.
Ito’y matapos makakuha ng impormasyon sa Philippine Pediatric Society ang tungkol sa ilang indibidwal na ilegal na nagbebenta ng bakuna online.
Mayroon din umanong nag-aalok ng pagbabakuna sa kanilang mga bahay kahit hindi naman sila lisensyadong doktor.