Binalaan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang mga nagbebenta ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), partikular sa San Juan at Mandaluyong.
Ayon kay Abalos, kulong ang tiyak na kakaharapin ng sinumang mahuhuling nagbebenta ng bakuna matapos nilang makipag ugnayan sa Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police, gayundin kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Binigyang diin sa DWIZ ni Abalos na libre ang bakuna kaya’t ilegal ang anumang pagbebenta nito.
Ako’y nagpapaalala sa mga nakikinig ngayon, ito po ay libre at sa mga nagbebenta ng slots ay mananagot sa batas, talagang sasampolan nang husto to… Nagbabala ako na ito talaga, hindi papatawarin ito, talagang diretso sa kulungan ito,” ani Abalos. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais