Muling umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na hangga’t maaari ay iwasan o huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito’y ayon kay PNP Officer in Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa ay upang maiwasan na ang naitatalang mga disgrasya sa tuwing nagpapalit ang taon.
Kahapon, nag-inspeksyon si Gamboa sa mga tindahan ng paputok sa Barangay Turo, Bocaue sa Bulacan kung saan, pinangunahan din nito ang pagwasak sa mga iligal na paputok na nakumpiska ng Bulacan Provincial Police Office.
Babala ni Gamboa, maaaring makulong at pagmultahin ng P20,000 hanggang P30,000 ang sinumang mahuhuling gumagawa, nagbebenta maging ang mga gumagamit ng iligal na paputok alinsunod sa itinatakda ng batas.
Ilan sa mga ipinagbababawal na paputok ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodby earth, goodbye bading, goodbye de lima, goodbye philippines at hello colombia.