Mahigpit na binabantayan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nagbebenta ng paputok sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan.
Ayon sa BFP, kailangang maging alerto at maingat ang mga mamimili at dapat na sa tamang display center lang bumili ng paputok ang publiko.
Dagdag pa ng ahensya, iwasan ding bumili sa mga nilalako o ibinebenta sa mga palengke at sundin ang lokal na pamahalaan hinggil sa mga itinalagang lugar na maaari lamang magpaputok upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa ngayong kapaskuhan.