Sangkaterbang pekeng sapatos na nagkakahalaga ng 86.5 Billion Pesos ang nasabat ng National Bureau of Investigation sa Pasay City.
Sa bisa ng search warrant ni Manila Regional Trial Court Branch 46 Judge Rainelda Montesa, sinalakay ng NBI-Intellectual property Rights Division katuwang ang Philippine National Police ang One Shopping Center sa Kapitan Ambo Street at iba pang stall sa J. Fernando street.
Target ng raid ang mga may-ari ng mga stall na sina ana Chua, Wang Yu Bo at iba pang occupant sa mga nasabing lugar kung saan tumambad sa mga otoridad ang mga pekeng Nike at Converse na sapatos.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Jaime Dela Cruz ng I-Data, ang distributor ng Nike at Converse sa Pilipinas.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act 8293 ang mga may-ari ng mga sinalakay na establisyimento.
By: Drew Nacino