Sasalain na kaagad ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga naghain ng COC o Certificate of Candidacy sa unang araw ng schedule ng filing nito.
Tiniyak ito sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andres Bautista kasunod nang isasagawa nilang en banc meeting ngayong umaga.
Sinabi ni Bautista na rerepasuhin nila ang mga pasya ng Korte Suprema sa isyu ng nuisance candidates para masigurong naaayon naman sa batas ang kanilang mga panuntunan hinggil dito.
“Gagawin po natin is diringgin din natin ang mga pasya o desisyon ng ating Korte Suprema tungkol sa nuisance candidates, gusto ko lang siguraduhin na yung resolution ng COMELEC po ay up to date, at meron siyang information kumbaga recent na kinukuha ng a sa mga naging desisyon ng ating Korte Suprema.” Pahayag ni Bautista.
Legalidad ng pagtakbo ng kapatid ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao bubusisiin
Samantala, magsasagawa pa ng pagdinig sa kaso ni City Councilor Roel Pacquiao bago maaprubahan ang COC o Certificate of Candidacy nito sa pagka-kongresista ng Saranggani.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. Michael Mamukid, Saranggani Provincial Election Officer dahil hindi naman kaagad-agad maaprubahan ang application for transfer ng kapatid ni Congressman Manny Pacquiao.
“Based sa aming records sa COMELEC ay siya po ay officially registered pa sa General Santos City, so gusto niyang mag-file ng transfer of registration sa Saranggani Province last September, pero hindi pa po na-approve yun kasi dinidinig pa po ‘yun.”
By Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit | Ratsada Balita