Ipinagmalaki ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga naging achievements ng high tribunal sa taong ito.
Kasabay ito nang pagdaraos ng Christmas Party ng Korte Suprema kung saan binigyang diin ni Sereno ang aniya’y napakaraming pagbabagong nangyari simula nang maging punong mahistrado siya nuong August 2012.
Kabilang aniya sa mga pagbabagong ito ang phase by phase roll out ng E-Courts o Electronic Courts at maging ang automated hearing, pagpapatupad ng tuluy tuloy na pagdinig sa mga criminal court at ang revised 2016 revised rules of procedure for small claims cases.
Pinapurihan din ni Sereno sina Associate Justices Mariano del Castillo at Estela Perlas-Bernabe sa kanilang kontribusyon sa hudikatura.
Si Del Castillo ang humahawak sa outreach programs ng high tribunal samantalang si Bernabe ang nangangasiwa sa pagbalangkas ng rules para sa commercial courts kabilang na ang financial rehabilitation at insolvency at pagtugon sa infrastructure problems sa mga Korte.
Kasabay nito hinimok ni Sereno ang mga empleyado sa hudikatura na ipabatid sa publiko ang reform efforts ng Korte Suprema para mapabilis ang trial system sa bansa at mapaganda ang kapakanan ng judicial workers.