Tiniyak ng Department of Justice na mananagot sa batas ang mga naging opisyal ng Administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay kapag napatunayan na may sabwatan sa pagitan ng mga dating opisyal at ng mga presong nakapiit sa New Bilibid Prisons o NBP
Una rito, lumabas ang balita na 75% ng transaksyon ng droga sa buong bansa ay nagmumula mismo sa loob ng national penitentiary
Giit ni Aguirre, hindi malayong alam ng mga dating opisyal ang operasyon ng iligal na droga sa NBP gayundin sa iba’t ibang panig ng bansa
Ngunit, ang nakapagtataka aniya ay hindi man lamang nalaman o nabalitaan ng mga dating opisyal ang mga transaksyon sa halip, nakagawa pa ng droga sa loob ng piitan
Binigyang dii ni Aguirre, may mga impormasyon silang tumatanggap umano sa mga drug lord ang ilang dating matataas na opisyal ng Administrasyong Aquino kaya’t patuloy sa pamamayagpag ang operasyon ng droga sa bansa
By: Jaymark Dagala