Hindi tatantanan ng Commission on Elections o COMELEC ang mga kandidatong lumalabag sa batas.
Ito’y matapos bumuo ang Commission en banc ng isang special task force na mag-iimbestiga at uusig sa mga kasong may kaugnayan sa eleksyon.
Batay sa resolusyon, tututukan ng poll body at lahat ng mga prosecuting officials mula sa Department of Justice o DOJ ang mga posibleng paglabag sa mga election laws.
Makikipag-ugnayan naman ang COMELEC-DOJ special task force sa Philippine National Police para sa mga dokumento at ebidensya na may kaugnayan sa mga paglabag sa gun ban.
By Jelbert Perdez