Hindi nainis at sa halip ay ikinatuwa pa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang mga nagkalat niyang ‘memes’ sa social media giant na facebook makaraang bumisita ito sa isla ng Boracay.
Ani Roque, natatawa na lang siya sa mga ‘memes’ at aniya masaya rin siya dahil kahit papaano ay nakapaghatid siya ng saya ngayong may pandemya dulot ng COVID-19.
Mababatid na viral ngayon online ang mga ‘memes’ ng opisyal na hango sa iba’t-ibang kaganap o kaya’y mga pelikula gaya ng Titanic, Doraemon, Lion King, pati na rin ang pamba-block sa sikat na basketball player na si Lebron James.
Pero ayon kay Roque, ang mas nagustuhan niya ay ‘yung ‘meme’ na kasama niya ang mga Avengers.