May mga nakikita nang senyales ang mga siyentipiko na lumalakas ang immunity ng mga taong nagkaroon na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa virus kahit na mild symptoms lamang ang kanilang naramdaman.
Ayon kay Deepta Bhattacharya, isang immunologists sa University of Arizona, may akda ng isa sa mga pag-aaral, bagamat hindi pa nila alam kung gaano katagal ang immune responses sa virus ng mga tinamaan na ng COVID-19 magandang indikasyon ito na nagta-trabaho pa rin ang cells sa katawan ng tao.
Ibig sabihin mas mataas na ang tsansa na labanan ang COVID-19 nang mas mabilis sakaling maging positibo ang dati nang tinamaan ng virus.