Dagsa pa rin ang mga nagnanais pumasok sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa kabila na rin ng mga umano’y insidente ng maltreatment sa hanay ng mga kadete.
Iyan ang binigyang diin ni P/BGen. Jon Arnaldo, Dean for Academics ng PNPA makaraang iulat nito na umabot sa mahigit 22,000 nagsumite ng aplikasyon via online.
Ito ang sasabak sa gagawing PNPA cadet admission test simula sa bukas, Nobyembre a-10, ika-6 ng umaga sa 31 examination centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Arnaldo, maituturing aniya nila itong isang major breakthrough dahil mas marami ang naitalang aplikante ngayong taon kumpara sa 54% nuong isang taon.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).