Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa opisyal na mga botante ang mga nagpa-rehistro noong Hulyo 2 hanggang Setymebre 29.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, matatawag lamang na rehistradong botante ang mga nag-file sa oras na aprubahan ng Election Registration Boards (ERB) ang kanilang application.
Ipo-proseso aniya ng ERB ang aplikasyon sa loob ng dalawang linggo at ipo-post ang notifications of approvals at disapprovals sa mga tanggapan ng election officers.
Batay sa pagtaya ng COMELEC, mahigit 2.5 milyon ang aplikasyon para sa voter registration sa loob ng tatlong buwang registration period para sa Mayo 2019 national at local elections.