Apat katao ang kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpapakalat ng pekeng balita hinggil sa COVID-19.
Nangunguna sa kinasuhan si Maria Diane Serrano ng barangay banaynay sa Cabuyao City sa Laguna.
Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, nag post si Serrano sa social media hinggil sa isang pasyente ng COVID-19 na aniya’y namatay sa Global Medical Center sa Cabuyao nuong Pebrero at ito ay nagdulot ng matinding panic sa mga residente ng lungsod.
Nagpakalat naman ng maling impormasyon hinggil sa viral outbreak sa Lapu-lapu City sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis, at Mae Ann ino.
Ang apat ay kinasuhan nang paglabag sa unlawful use of means of publication and unlawful utterances under Article 154 ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act No. 10175 o Anti-Cybercrime Law.