Hinamon ni Honeylet Avanceña ang mga nagpapakalat ng balita na isinugod sa ospital si Pangulong Rodrigo Duterte na isa-isahin ang lahat ng kwarto sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Ito’y upang mapatunayan na wala sa ospital si Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, tiniyak din ng Presidential Security Group (PSG) na maayos ang kalusugan ng pangulo.
Ayon kay PSG Spokesperson Captain Zeerah Blanche Lucrecia, walang insidente na isinugod sa ospital ang punong ehekutibo.
Samantala, pinag-iingat naman sa karma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga nagkakalat ng balita na may sakit si Pangulong Duterte
Una rito, naglabas ng larawan si dating special assistant to the president Christopher “Bong” Go kung saan kasama niya ang pangulo at pinatutunayan na nasa bahay pangarap sa Malakanyang ang punong ehekutibo at wala sa ospital.