Inaasahang wala nang lalabas na pekeng balita tungkol sa COVID-19, sa social media sa mga susunod na araw.
Sa ilalim kasi ng bayanihan To Heal As One Law, mayroong probisyon doon na nagpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa COVID-19
P1-M multa at dalawang buwang pagkabilanggo ang naghihintay sa sinumang lalabag sa naturang probisyon.
Dalawang buwang pagkabilanggo rin at multa na P10,000 ang mga online fraudsters o nag i-scam online hoarders at nagmamanipula ng presyo ng bilihin.
Kahalintulad na parusa rin ang naghihintay sa mga local government officials na lalabag sa mga polisiya ng national government sa COVID-19, mga nagmamay-ari ng pribadong ospital na tatanggi sa mga direktiba ng Pangulo at mga negosyo na tatangging tumanggap ng kontrata para sa mga materyales at serbisyo na kailangan para tugunan ang COVID-19 pandemic.