Isinisi ng mga Telecommunication Company sa mga sindikato ang nagkalat na malawakang personalized text scams na natatanggap ng mga subscriber kada araw.
Inihayag ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe Telecom, kailangang mahanap ang source ng text scams sa pamamagitan ng pagpapakalat ng law enforcement bodies.
Ayon kay Bonifacio, maaaring may local operating center ang mga sindikato na dapat tuntunin at posible ring sa phone apps nakukuha ng mga scammer ang data ng mga user.
Sinabi naman ni Angel Redoble, First Vice President at chief Information Security Officer ng PLDT-Smart Telecom, nasa 400 million text scam at 11 billion phishing sites na ang kanilang na-block.
Mabilis at papalit-palit anya ang mode ng text scams na ginagawa ng sindikato sa likod ng text scams at automated din umano ang karamihan sa mga natatanggap ng mga users.
Tiniyak naman nina Bonifacio at Redobla na sinisikap ng mga Telco na bawasan ang bilang ng nakakatanggap ng mga text scam.
Bukas ilalarga ng Senado ang pagdinig hinggil sa malawakang Text Scams sa bansa.