Mabibigo lamang ang sinumang nagpapaplano na pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa kasunod ng mga ulat na sasamantalahin ng ilang mga krtiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution para patalsikin ito sa puwesto.
Ayon kay Gamboa, hindi magtatagumpay ang anumang destabilisasyon laban sa pangulon kung wala naman aniya itong makukuhang suporta mula sa mga security forces ng pamahalaan.
Dagdag ni Gamboa, sa kabila rin aniya ng mga natatanggap na kritisismo ng pangulo, nananatili pa ring mataas ang trust at satisfaction rating nito.
Tiniyak naman ni Gamboa na malaya pa rin ang lahat na magsagawa ng mga kilos protesta bilang bahagi ng paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)