Apat na araw bago ang pagbabalik-eskwela, pumalo na sa 21.8 milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa school year 2022-2023.
Batay ito sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang kahapon.
Ayon sa DepEd, pinaka-marami ang nag-enroll sa CALABARZON, 3.1 million; Central Luzon, 2.4 million at National Capital Region, 2.3 million.
Pinaka-kaunti naman sa Cordillera Administrative Region na mayroong 360,668 enrollees.