Pumalo na sa mahigit 27 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll para sa pasukan sa Lunes, Agosto 22.
Batay sa datos ng Department of Education hanggang kahapon, pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa CALABARZON na may higit 3.7 milyon; Central Luzon, higit 2.8 milyon at National Capital Region na may higit 2.8 milyon enrollees.
Pinakaunti naman ang enrollees sa Cordillera Administrative Region na nasa 465, 389 pa lamang.
Hanggang Lunes maaaring magpatala ang mga mag-aaral para sa School Year 2022-2023.